Actions

Work Header

Sa Hindi Inaasahang Pagkakataon, Nakita Ka Muli

Summary:

Natigilan si Klay sa pag-aayos ng gamit nang marinig niya ang napakapamilyar na boses na nagmula sa kutsero ng paalis na kalesa. Sinilip niya ang itsura nito bago kumaliwa sa kanto, ngunit natatakpan ng salakot ang mukha ng nagmamaneho pati na rin ang kasama nito sa likod.

Alam niyang maaring guniguni niya lamang ang kaniyang narinig—tutal lahat naman ng kutsero ay nagpapalatak para makontrol yung kabayo nila—pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay malakas ang kutob ni Klay na si Fidel ang nagmamaneho nung sasakyan na iyon.

or what if Fidel and Klay reunited in earlier circumstances?

Notes:

SA TOTOO LANG DOGSHOW LANG DAPAT TO PERO GINAWAN KO NG FIC HAHAHA enjoy!!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Tch, tch."

 

Natigilan si Klay sa pag-aayos ng gamit nang marinig niya ang napakapamilyar na boses na nagmula sa kutsero ng paalis na kalesa. Sinilip niya ang itsura nito bago kumaliwa sa kanto, ngunit natatakpan ng salakot ang mukha ng nagmamaneho pati na rin ang kasama nito sa likod.

 

Alam niyang maaring guniguni niya lamang ang kaniyang narinig— tutal lahat naman ng kutsero ay nagpapalatak para makontrol yung kabayo nila— pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay malakas ang kutob ni Klay na si Fidel ang nagmamaneho nung sasakyan na iyon.

 

"— izo de sangley, Naliwanagan." Narinig niyang bulong ng isang boses sa likod niya.

 

Nanlaki ang kaniyang mga mata at lumingon, sinusubukang hanapin kung saan nanggagaling yung boses, pero masyado maraming tao na ang naglalakad sa paligid niya.

 

Hindi mapakaling nakatayo si Klay, magdadalawang-isip kung susundin ang umalis na kalesa, "Huy Lord, sign niyo na ba yun? Si Fidel ba talaga yon? I mean, kahit sino naman dito pwede maging sangley pero—"

 

Napahalinghing ang dalaga at napahawak sa ulo bago napag-desisyunang habulin ang kutserong iyon. Hinawakan niya ang kaniyang saya at nagsimulang tumakbo patungo sa direksyon na pinuntahan nung kalesa kanina.

 

"Jusko Klay, nababaliw ka na talaga!" Aniya sa kaniyang sarili habang tumatakbo, "Di mo pa mga sure kung si Fidel yon tapos ngayon hinahabol mo! Beh ano ba?!"

 

Sigurado siyang nakakatawa ang itsura niya ngayon. Isang babaeng tumatakbo sa ilalim ng init ng araw, kinakaladkad ang napakahabang damit at humahabol ng kalesang malayo-layo na ang narating.

 

"Yung kalesang may tela sa likod, yung kalesang may tela sa likod, yung kalesang may tela sa likod," pinapatanda niya sa kaniyang sarili habang hinahanap ang nakita niyang sasakyan kanina. "Kalesang may tela— Ayun!"

 

"FIDEEEEEEEL!" Sigaw niya sa lumalayong karwahe, "FIDEEEEEEL Kaloka naman 'to mukha na naman tayong tangeks dito pero— FIDEEEEEEEL!"

 

Ngunit hindi pa rin humihinto sa paggalaw ang kalesa sa sigaw niya, bagkus ay mas bumilis pa ang takbo, kaya napilitan rin siyang bilisan ang paghabol.

 

"HOY FIDEL, KUNG IKAW YAN BUMALIK KA DITO!" Sigaw niya muli at hindi pinapansin ang mga nanghuhusgang tingin ng mga taong kaniyang nadadaanan. 

 

Hirap na hirap ang dilag sa kakatakbo sa bato-batong kalsada, pero hindi pa rin niya pinigilan ang paghabol sa sasakyang sobrang layo na sa kaniya. Hingal na hingal niyang sinundan ito at ramdam niya ang pagpatak ng kaniyang pawis sa ilalim ng kaniyang damit.

 

"Sabi na nga ba dapat sineryoso ko yung PE ni Ma'am Garcia." Bulong niya sa kaniyang sarili patuloy pa rin sa pagtakbo, "Kukutusan ko talaga si Stacy na nag-aya mag-cutting noon, pagbalik ko— FIDE—aray ko ang sakit non—FIDEEEEL!"

 

"FIDE—Aray!" Aniya nung siya'y natapilok biglaan. 

 

Napahawak si Klay sa kaniyang ulo nang saplitang mapaupo siya sa mainit na kalsada, pagkatapos ay napapikit at humingang malalim, "Lord pag hindi talaga siya yan at pinapahiya ko lang yung sarili ko, baka mabawasan langit points ko." 

 

"Binibini, ayos ka lang ba?"

 

Kumurap ang dalaga at inangat ang kaniyang ulo. May isang lalaking naglalahad ng kaniyang palad, habang nasa likod niya nama'y mayroong karwahe na sakay-sakay ang isang bata at babae.

 

Siguro mag-ina, isip ng dilag at tinanggap ang kamay na nais tumulong sa kaniya.

 

Tumikhim siya nung siya'y makatayo. "Ah, oo. Salamat po."

 

Binigyan siya nito ng maliit na na ngiti bago binaling ang tingin sa babae sa karwahe. "Oh ayan, mahal. Tinulungan na natin ang sumisigaw na binibini."

 

"Nakikita ko, Pedro." Sambit ng sa tingin ni Klay, ay ang asawa nung lalaking tumulong sa kaniya. 

 

Nilipat nung babae ang kaniyang tingin sa kaniya at nakaramdam ng kaunting hiya ang binibini sa kaniyang ginawang panggugulo. Ngunit imbes na simangutan siya nito, ay binigyan na lamang siya ng matamis na ngiti at tinanong; "Binibini, bakit ka nga ba sumisigaw kanina? Mayroon ka bang hinahabol?"

 

Si Fidel, bigla niyang natandaan . Nanlaki ang kaniyang mga mata at nilingon ang kaniyang paligid, hinahanap ang hinahabol na kaleaa bago napansin na malapit na maging tuldok ang ito sa kalayuan. 

 

Ngumuso ang dilag at napamewang, "Opo, kaso hindi ko na mahahabol." Tugon niya sa mag-asawa, "Hindi ko rin naman sigurado kung siya yun." Bulong niya sa kaniyang sarili.

 

"At sino ang hinahabol mo, binibini?" Tanong nung lalaki.

 

Tinitigan niya ang dalawang tao sa harapan niya pagkatapos ang karwaheng nasa likod. Kumurap si Klay ng tatlong beses bago siya nakaisip ng kakaibang ideya para mahabol ang lumalayong kalesa.

 

Alam kong mali magsinungaling pero just this once lang;

 

"Yung asawa ko po," halimbawa niyang iyak. "Iniwan po ako kasi…kasi…"

 

Think, Klay! Think!

 

"Kasi?" singit ng maliit na boses sa tabi ng babae, at doon lamang napansin ang bata na siguro'y anak ng mag-asawang ito.

 

Bingo.

 

"Kasi… kasi nalaman niyang buntis ako!" Pagsisinungaling niya. "Hindi pa daw siya handa maging ama kaya nag-layas po siya at iniwan kaming mag-ina!" Aniya sabay hawak sa tiyan at humagulgol— nang halimbawa.

 

"Ano?!" Sigaw ng lalaki sabay tingin sa direksyon na pinuntahan niya kanina. "Kasuklam-suklam na lalaki! Hindi marunong manindigan!"

 

Ay grabe ka naman kuya, asawa ko pa rin—este si Fidel pa rin naman 'yan. Handa nga daw ako panagutan sa kahit anong simbahan noon eh.

 

"Que horror!" Sambit ng babae at mabilis na tinitigan asawa. "Pedro! Sumakay ka sa karwahe at hahabulin natin ang walang kwentang lalaking iyon!" 

 

Binaling nito ang kaniyang tingin papunta sa kaniya, "Ikaw rin, binibini! Rapido! Maari pa nating mahabol ang asawa mo!"

 

Dali-daling pinunasan ni Klay ang mga pekeng luha niya at mabilis na tumango, "Salamat! Salamat po!"

 

Mission accomplished. Isip niya habang sumasakay sa loob ng karwahe. 

 

Kinawayan siya ng batang lalaki habang siya'y papasok sabay kumandong sa kaniyang ina. Nginitian niya ito at tumabi sa upuan ng babae.

 

Agad na pinatakbo ng lalaki ang kalesa nang mabilis na kinailangan ng dalaga humawak sa gilid ng kumakarerang sasakyan at nagdasal ang binibini na hindi siya masuka habang nasa daan.

 

"Anong hinahanap natin?" Sigaw ng ginoo habang nagmamaneho.

 

"A-Ano! Kalesang mayroong telang dala sa likod! Dalawa silang lalaking nakasay sa loob, parehas na nakasalakot!"

 

Tumango ang lalaki at mas pinabilis pa ang pagtakbo.

 

Napapikit si Klay at hinigpitan ang paghawak sa upuan. Jusko po dinaig pa 'to yung ferris wheel to heaven noon sa perya!

 

"Nay! Kita ko po!" Narinig niya sabi ng bata at agad na minulat ng dalaga ang kaniyang mga mata.

 

Sinundan niya ang kamay ng paslit na nakaturo sa harapan, and well would you look at that, tama nga siya.

 

"Ayan nga!" Sang-ayon niya at ipwinesto ng ginoo ang kanilang kalesa sa harapan ng karwaheng hinahabol nila at biglang huminto.

 

Narinig niyang sumigaw ang kutsero sa likod nila ng espanyol, siguro dahil sa gulat, bago sinabing; 

 

"Anong ginagawa ninyo?!"

 

Napakunot-noo si Klay nang marinig ang pamilyar na boses. Siguradong hindi si Fidel ang nagsabi non, pero sa di maipaliwanag na dahilan ay tila alam rin ng dalaga ang tinig na iyon.

 

Nakita niyang bumaba yung Pedro mula sa harapan ng karwahe at nagsimulang maglakad patungo sa likod.

 

Oop that's my queue, isip niya, ngunit tila nanginginig ang kaniyang mga binti kaya hindi siya makatayo mula sa kaniyang kinauupuan.

 

"Seryoso ka ba?!" Aniya sa kaniyang sarili at napahawak sa kaniyang noo, sinusubukang pilitin ang sarili na gumalaw.

 

Buti na lamang ay napansin ng bata ang kaniyang sitwasyon at sumsik sa kanila para makababa ng kalesa bago inilahad ang kaniyang maliit na kamay bilang alalay.

 

Kung hindi lang iba ang iniisip ni Klay ngayon ay siguro'y hihimatayin na siya sa kung gaano ka-cute yung batang 'to.

 

Sumingit ang boses ni Pedro sa kaniyang isipan. "Sino sa inyong dalawa ang ginoong iniwanan ang kaniyang buntis na asawa?"

 

Hala wait, wait lang! Agad niyang hinawakan ang maliit na kamay na maliit na paslit at dahang-dahang lumabas ng sasakyan.

 

"A-Asawa? Paumanhin, señor, ngunit kaming dalawa ng aking nakababatang kapatid ay hindi pa po kasal."

 

"Kung gayon, bakit kayo hinahabol ng binibining kasama namin?! Ang bagong ina na humahagulgol sa asawang hindi siya pinandigan?!"

 

"Sinong binibini? Señor?"

 

Humingang malalim si Klay, kinakabahan na baka mali pala ang kaniyang hinala at mapahiya na naman siya at ang pamilyang tumulong sa kaniya.

 

Hinahanda na niya ang kaniyang sarili para magpakita, ngunit bago pa man niya gawing presentable ang kaniyang wangis ay sinimulan na siyang hilain ng bata patungo sa usapan ng mga ginoo.

 

"Wait la—"

 

Ngunit huli na ang lahat at nakita na siya ng mga lalaking nagdidiskusyon sa gitna ng dalawang kalesa.

 

Nakahalukipkip si Pedro, masinsinang tinitignan ang dalawang lalaking nakayuko— pano ko malalaman kung si Fidel yung isa diyan?!— bago siya sinenyasan, "Sino dito ang iyong asawa, binibini? Sabihin mo lang at siya'y bibigyang leksyon ko."

 

"A-Ah, huwag na po, ginoo." Pakiusap niya, "Huwag na po kayo mag-alala. Ako na po ang bahala sa aking asawa—"

 

"Klay?"

 

Nahigit ang kaniyang hininga tila tumigil ang lahat nang marinig niya ang kaniyang pangalan sa boses na iyon.

 

Inilipat niya ang kaniyang tingin sa matangkad na ginoong nakakahel na damit. Hindi na ito nakayuko at doon nasilayan ang mukhang kay tagal na niyang hinihiling makita muli.

 

Mas mukha nang matanda si Fidel. Malamang, labintatlong taon na rin ang lumipas dito. May kaunting balbas na namumuo sa kaniyang baba, mas naging kayumanggi ang kutis, at ang buhok niya'y mas mahaba na. 

 

Nakanganga lang ang ginoo na nakatingin sa kaniya, marahil ay 'di inaasahan na ganito ang magiging pagkikita nila muli at sa totoo lang ay hindi niya ito masisisi.

 

Ngumiti siya nang maliit at humingang malalim.

 

"Hello, Fidel."

 

Mabilis na kumurap ang lalaki. "Paano? Ano?" Tumingin ito sa kaniyang gilid at nakita ang isang paslit na umaalalay sa kaniya. "Siya ba'y—?"

 

Tumaas ang kilay ng dalaga at mabilis na umiling. "Ay, hindi siya akin!" Senyas niya sa bata. 

 

Nagkunot-noo si Pedro at tinaasan siya ng kilay, ay oo nga pala buntis ako.

 

"I mean, hindi ito yung atin!" Pilit niyang tawa habang marahan na tinutulak ang batang lalaki patungo sa ama nito, "Oo, hindi pa napapanganak yung atin."

 

Umubo nang napakalakas ang kasama ni Fidel habang ang kaniyang "asawa" naman ay mabilisang namutla.

 

Bago pa man mahalata ang kasinungalingan niya ay hinarap niya ang mag-ama at yumuko. "Maraming salamat po sa tulong ninyo, señor. Kayo po at ng iyong buong pamilya."

 

Tumawa ang lalaki, "Walang anuman! Sa susunod ay huwag na huwag mong hahayaan makatakas 'yang asawa mo. Ikadena mo siya kung kinakailangan!"

 

Napalunok ang dilag. "Susundin ko po ang inyong payo."

 

Muling tumawa ang ginoo, "Oh siya, mauna na kami!" Sabi niya sabay karga sa lalaking anak. "Ikaw, lalaki! Matuto kang panagutan ang iyong namumuong pamilya, lalo na dito sa iyong asawa! Iyon ang sukat ng pagiging tunay na lalaki." Saway niya kay Fidel at hindi mapigilan ni Klay mapapikit.

 

Oh my god, nakakahiya!

 

"Paalam, señorita," Tango nito sa kaniya.

 

Tumango siya pabalik at ibinaling ang tingin sa musmos na nasa bisig ng ginoo. 

 

"Ah, sandali lang po pala." Aniya sabay halungkat sa kaniyang buslo bago naglabas ng garapon ng Stick-O.

 

Nanlaki ang mata ng mag-ama nang i-abot niya ito sa kanila. "Pagkain po yan, masarap pang merienda. Bigyan niyo na rin po si señorita, pasasalamat ko po sa inyo yan," Paliwanag niya, "Espesyal na tsokolate't bisuit po iyan na kung tawagin ay Stick-O."

 

"Shiku-Oh ?" Sabi ng bata.

 

Natawa naman ang dilag, "Oo. Shiku-Oh."

 

Kumuha ng isa ang ama at kinagat ang maliit na parte nito, bago ngumiti, "Kakaibang pagkain! Masarap na matamis! Maraming salamat, binibini."

 

"Walang anuman po." Ngiti niya.

 

Kumaway na ang dalawang lalaki sa kaniya bago sumakay sa kanilang kalesa at umalis.

 

Napabuntong-hininga si Klay nang tuluyan nang mawala sa kaniyang paningin ang karwaheng sinakyan, bago dahan-dahang tumalikod upang harapin ang hinabol na lalaki.

 

Tahimik lang siyang pinagmamasdan ni Fidel.

 

"Uhm. Surprise?" Nag-aalinlangang panimula niya.

 

Unti-unti humakbang papalapit sa kaniya ang lalaki, ang kamay nito'y inaabot siya bago hinawakan ang kaniyang pisngi…

 

At pinisil.

 

"Aray—Fidel! Masakit!" aniya sa ginoong pinaglalaruan ang kaniyang mukha, "Hoy!"

 

"Panaginip ba ito?" Tanong ng lalaki, hindi pinansin ang kaniyang pakiusap, "Tuluyan na ba akong nasisiraan ng bait?"

 

Bastos talaga 'tong lalaking 'to, isip niya at kinurot ang tagiliran ng ginoo na naging dahilan naman ng mabilisang pag-hiyaw ng kaharap at pagbitaw sa kaniya.

 

"Ano? Nasagot na ba yung tanong mo?" Inis niyang sambit bago inayos ang kaniyang buhok. "Kaloka ka, hinabol pa kita mula don sa tindahan kanina, tapos gaganyanin mo ko? Eh kung kutusan kaya kita—"

 

Biglaang siyang yinakap nang mahigpit ni Fidel.

 

"Klay. Aking Klay." 

 

Natigilan ang dilag pagbulong ng kaniyang ngalan na para bang isang panalangin na natupad. Bahagya siyang namula sa pagkasabi at pag-angkin ng ginoo sa kaniya ngunit agad itong nawala nang marinig niya ang tahimik na hikbi ng kayakap.

 

"Fidel? Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong, sabay layo at hawak sa mukha ng kasama. "Bakit ka umiiyak?"

 

Umiling lamang ang lalaki at ngumiti. "Wala. Wala, Klay." Tugon nito bago hawakan ang isa niyang kamay, "Masaya lang akong makita ka muli. Bumalik ka, Klay."

 

Lumambot ang ekspresyon ng binibini at pinunasan ang tumutulong luha sa mukha ng ginoo.

 

Mas mukha na siyang matanda, pero bakit ang cute niya pa rin tignan?

 

Patuloy ang pagtitig sa kaniya ni Fidel at halos malunod na siya sa pugay ng mga mata nitong punong-puno ng kasiyahan at pagmamahal na hindi mapigilan ni Klay maluha nang kaunti.

 

Yumuko siya, "Sorry kung naging matagal yung paghihintay mo, Fidel." 

 

Mabilis na umiling ang lalaki, "Hindi. Hindi, Klay," Anito sabay angat sa kaniyang ulo. "Hindi bale kung maging higit pa sa labintatlong taon ang paghihintay ka sa iyo."

 

"Ang mahalaga'y bumalik ka. Nandito ka na ulit," ngiti niya, "Nandito ka na ulit."

 

Naramdaman ng binibini ang pagsimula ng pagtulo ng kaniyang mga luha at napatango na lamang habang nginingtian pabalik ang kasama. 

 

"Andito na ako, Fidel." Tugon niyang masaya.

 

Mas lalong lumaki ang ngiti na nasa mukha ng ginoo at laking gulat na lamang niya ng bigla siya nitong binuhat at inikot habang tumatawa. Hindi mapigilan ni Klay ang mapatili sa ginagawang kalokohan ng lalaki, ngunit hindi niya rin ito pinigilan.

 

Nang ibaba siya ay biglang may tumikhim. "Pasensya na po, ginoo at ginang, ngunit kailangan na nating maglakbay pabalik sa ating bahay." Putol ng nakalimutan niyang kasama ni Fidel.

 

Ngumisi ito sa kanila, "Hindi maganda na maabutan pa tayo ng dilim, lalo na't… buntis ang iyong asawa, kaibigan." 

 

Kumurap ng isang beses ang dalaga at tila sinampal siya nang matandaan niya ang ginawa niyang gulo kanina.

 

"Ah! Siyang tunay!" Sambit ng katabi niya bago niya naramdaman ang kamay nito sa kaniyang likod, inaalalayan siya.

 

Tumingin sa kaniya si Fidel. "Bueno, halika na ba? Aking asawa?" ngisi nito.

 

Ay jusko, hindi pa rin talaga 'to nagbabago.

 

"Ewan ko sa'yo." Pabiro niyang irap at dali-daling pumwesto sa akyatan ng kalesa.

 

Narinig niyang tumawa ang ginoo sa likod niya at tinago niya ang kaniyang ngiti sa kaniyang pulang panuelo.

 

"Masaya akong makita ka muli, binibining Klay."

 

Gulat na binaling ng dilag ang kaniyang mga mata at doon lamang napagtanto na ang kasama pala ni Fidel ay walang iba kundi si—

 

"Elias?!" Bulong niya 

 

"Shh. Tahimik ka lang, binibini." Senyas ng ginoo, "Mamaya na lamang tayo mag-usap pag ligtas na."

 

Marahang tumango ang babae, naguguluhan kung bakit buhay pa rin si Elias, pero tinanggap ang kamay ng lalaki upang makapasok siya sa sasakyan.

 

"Ayos na ba tayo? Kaibigan? Ina ng aking anak?" Pabirong tanong ni Fidel sa harapan habang nakalingon sa kaniya.

 

"Alam mo, masyado mong trip yung acting ko," turo niya sa lalaking magmamaneho. "Eyes on the road, ginoo. Mamaya masagasaan pa tayo."

 

"Aba, syempre'y mas magiging maingat ako, ginang," sagot ng lalaki. "Sapagkat dala-dala mo ang aking magiging tagapagman—"

 

"MAG-DRIVE KA NA ANO BA!"

 

"Susmaryosep." Bulong ni Elias sa gilid.

 

Tumawa na lamang si Fidel at humarap bago iginalaw ang renda ng kabayo nila at nagsimulang maglakbay.

 

"Tch, tch!"

 

Notes:

omake:

fidel: anong magandang pangalan sa ating anak, klay?

klay: hindi nga ako buntis loko-loko ka, masyado mong sineseryoso

fidel: *sad pout*

klay: ...pero kapag nagka-anak na lalaki ako gusto ko delfin pangalan

fidel: delfin de los reyes y infantes. napakagandang pangalan!

klay: sure kang ikaw yung magiging tatay?

fidel: ...bakit may iba ba? sino naman yon? trinaydor mo ba ako, aking asawa?!

elias, na akala nilang tulog: andito pa ako