Chapter Text
“If you have chemistry, you only need one other thing—timing. But timing's a bitch.”
“TAMA” sigaw ni Baekhyun sa harap ng kanyang TV.
Kasalukuyang nakahiga siya sa sofa niya at nanonood ng How I met your Mother, isa sa kanyang comfort TV series.
Sinusulit niya lang talaga yung nalalabing oras na free siya dahil bukas ay Monday na naman. Bumuntong hininga si Baekhyun at napaisip, “What if wag na lang ako magtrabaho? Gusto ko na lang talaga maging sugar baby.”
**ping**
Nagulat naman si Baekhyun sa tunog ng cellphone niya at medyo nanlaki pa ang mata nang makita ang message. Nakalimutan niya kasing may hinihintay nga pala siya.
Unknown: foodpanda, sir. dito na po ako sa lobby.
BH: ay sige po kuya. wait lang pababa na po. thank you.
Nagmadaling tumayo si Baekhyun at kinuha ang keycard ng condo unit niya. Binulsa niya ang cellphone at sabay tumakbo palabas ng pinto.
Buti na lang nasa 6th floor lang siya at onti rin ang may gamit ng elevator ngayon, kaya naman mabilis lang makakababa eto.
“11:27pm na rin kasi. Siguro patulog na ang mga tao. Bakit ba kasi ako nagpadeliver pa ng gantong oras?” tanong niya sa sarili niya pagkapasok ng elevator.
Ahh oo nga pala. Nakita niya kasi yung kiddie meal ng Jollibee ngayon eh. Sobrang natuwa siya doon sa Jollibots. Gusto niya talaga 'tong kumpletuhin kaya naghanap siya kung meron neto sa delivery. Unfortunately, for dine in lang daw ito. Kaya ayon, nung nakita niya ang picture ng jolly spaghetti at spicy chickenjoy sa app ay wala na siyang nagawa kundi mag-crave. Hindi niya na pinigilan ang sariling pindutin ang place order button.
“Bukas promise may Jollibots na ko!” isip neto nang maalala na mayroong medyo malapit na Jollibee sa office nila.
Nakababa na ngayon si Baekhyun sa lobby kung nasaan ang Foodpanda rider. Agad niyang nilapitan eto. “Kuya, pasensiya na po kung medyo natagalan.”
“Hindi naman po matagal, sir. Eto na po pala yung order niyo.” Pagkaabot ng rider nung order ni Baekhyun ay nagbigay agad ng tip ang huli.
“Ay, thank you po dito sir!” Ang laki ng ngiti ng rider kaya naman napangiti rin lang pabalik si Baekhyun. “Sige po, kuya. Ingat kayo.”
Nagsimulang maglakad si Baekhyun papuntang elevator. Pinindot niya ang up button at sinilip ang paper bag na hawak niya. Kailangan niyang siguraduhing C3 ang nasa loob neto.
Pagkabukas ng elevator ay agad siyang pumasok dito, pero bago pa tuluyang magsara ang pintuan ay may narinig siyang, “wait please!”
“Ang lalim ng boses non ah” isip ni Baekhyun habang pinipindot ang hold button.
Naririnig niya ang mga yapak nung taong nagsabi non. Maya maya pa ay may isang matipunong lalaking biglang nasa harapan niya ngayon.
Nagkatinginan sila. Nagkagulatan at sabay na nagsabing—
“Chanyeol??”
“Baekhyun??”
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Baekhyun nang makita ang kabuohan ni Chanyeol. Paano ba naman kasi, ang lakas maka-memories bring back memories bring back you ng itsura neto. Magulo ang buhok, pawisan, at may bitbit na case ng gitara sa kanang balikat. Parang nag-flashback tuloy kay Baekhyun ang high school memories niya. O baka naman college memories?? Hindi niya rin sure. Lahat ata ng memories niya kay Chanyeol ay biglang bumalik.
Ano ba kasing ginagawa ni Chanyeol dito?
Si Chanyeol…ang crush ni Baekhyun, sampung taon na.
