Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-09-08
Words:
9,738
Chapters:
1/1
Comments:
17
Kudos:
81
Bookmarks:
9
Hits:
1,358

On Liquids and Gone Lines

Summary:

Sabi nila, hindi ka daw gagaling sa lugar kung saan ka nasaktan. 

Bakit nga ba sinabi pa 'to ni Renjun kay Jeno?  Siya pa tuloy ang hinila nito sa pagdadrama sa harap ng magandang tanawin habang tinitignan ang mga surfer na rinig ang mga sigaw ng galak habang nakikisayaw sa alon ng dagat.  Sa halip na sumaya siya sa nakikita, nababadtrip lang siya sa minu-minutong pagbubuntong hininga ng katabi. 

Notes:

Warning: This contains some scenes and/or mention words such as wound, bruise, and hyperventilation, not more than twice. Please read this only if you're comfortable.

This is inspired by Ben&Ben - Elyu.

This is a work of fiction.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sanay si Renjun sa amoy ng usok, galing man sa tambutso o kaya sa sigarilyo.   

Sanay rin siya sa siksikan at tuloy-tuloy at mabilis na paglalakad na akala mo may deadline.  Sabagay, kung araw-araw nga namang babagtasin ang mabigat na trapiko na umaabot sa dalawang mabagal na oras ang biyahe ay talagang bawal ang babagal-bagal.   

Sanay rin siyang hindi makabangga ng mga tao sa paglalakad kahit minsan pakiramdam niya nagmumukha na siyang tanga sa paraan ng pag-iwas sa mga makakasalubong.  Hindi maiwasang mandiri sa pinaghalong pawis, alikabok, at usok na dumikit sa katawan ng tao.  Bukod pa rito, may pangamba rin na sa bawat aksidente o sadya mang pagkakadikit ay may pag-aakalang bigla na lamang siyang mahahawakan o mananakawan.  

Sanay na siya na ang oras at mga pangyayari ay hindi niya makokontrol.  Pilitin man niyang planuhin ang lahat o pigilan ang mga hindi kanais-nais sa kanyang palagay, wala siyang sapat na kakayahan para tuluyan itong hindi mangyari. 

Sanay na si Renjun na sa bawat oras na kakailanganin siya ng kahit sino, handa siyang umagapay at sumuporta kahit malaki man ang distansyang namamagitan.  Sanay na siyang unahin ang mga ito kahit nasa gitna man siya ng importante at sariling kaganapan. 

Sanay si Renjun na sa unang ring pa lang ng teleponong nasa pinaka-ilalim-laliman ng kanyang bag sa kada malungkot at nagmumukmok na gabi ay bigla na lamang siyang kumakaripas ng takbo, ‘di bale nang may mabunggong pawisan na pasahero o kung naiwan mang bukas ang kanyang bag at may nahulog mang kung ano mula sa loob nito.  

“Excuse me po.  E-excuse—aray!” 

Okay lang ‘yan, sanay na rin siyang may paminsan-minsang pasa o daplis dahil sa pagkakadapa sa magaspang na semento o dahil napalakas ang tunggo niya sa paharang-harang sa dinaraanan niya sa tuwing siya’y nagmamadaling tumakbo.  Sanay na si Renjun na tatayo na lamang, ibubulong ang paumanhing nahahaluan ng hingal, at muling kakaripas ng takbo.  Wala na siyang pakialam kung magalit o papatawarin man siya ng naabala, hindi naman na niya muling makikita ang mga ito.   

Pero yung dahilan ng pagtakbo niya?  Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung hindi maabutan ito.  Sanay na siyang sirain ang lahat ng nakasanayan at magkagulo-gulo ang mundo niya para sa taong ito.  

“Renjun!  Dito!”  Sa hagdanan pa lamang papasok sa bar ay naghihintay na sa kanya si Jisung.  Malabo man ang mga mata ni Renjun sa malalayong bagay, hindi naging hadlang ito para hindi makita ang nakakunot na mukha ni Jisung.  Mas binilisan niya ang pagtakbo, natisod pa sa ikatlong hakbang pero nagpatuloy siya na parang wala lang.  

“S-saan na s-siya?”  Tanong ni Renjun habang hinahabol ang hininga. 

“Renjun, bakit ngayon ka lang?  Dalian mo tara.”  Agad na hinila ni Jisung ang kanyang braso na agad binitawan rin nang harangin ng bantay sa bar.   

“Boss kasama ko ‘to, mas matangkad lang ako dito pero mas matanda sa akin ‘to.  Dali na boss, urgent lang talaga.  Okay?  Okay.  Tara Renjun, sunod ka sa akin.”  

Puno at masikip pa rin ang bar kahit nasa kalagitnaan pa lamang ng linggo pero hindi mahirap makita sa dagat ng mga nagka katuwaang tao ang namumukod tanging pighati sa mga nagsasayawang ilaw sa gabing ito.  

“Chenle, gaano na karami?”  Sabay pasada ng tingin sa mga boteng nasa ibabaw ng mesa bago tinignan ang taong ininom ang alak na parang tubig lang.  

“Kung ‘yan lang titingnan mo, huli ka na.  Katatanggal lang nung staff yung limang bote ng beer so bale bagong set ‘yang nasa harap niya plus yung dalawang malakas yung tama.”  Tinuro ni Chenle ang mga bukas na inumin bago nagpakawala ng hininga, tanda na nauubusan na ito ng pasensya. 

“Sorry nalate ako.  Ano ba nangyari?  Biglaan naman ata?”  Hinawi ni Renjun pataas ang mga buhok na dumikit sa kanyang noo dahil sa pawis niya kanina mula sa pagtakbo.  Sinusubukan niyang pakalmahin ang sarili dahil sa totoo lang—  

“Biglaan?  E nung sabado lang yung huli niya ‘di ba?  Namimihasa na ‘yan sa pag-inom palibhasa alam niyang may sasalo sa kanya.  Iwanan kaya natin ngayon?  Try lang natin kung saan pupulutin ‘to, ano?”  Hamon ni Chenle sabay taas sa manggas ng damit, tila naiinitan dahil sa inis na nararamdaman na agad namang binaba ni Jisung at ipinatong ang mga kamay sa balikat nito para pakalmahin.  

“Chenle tama na ‘yan, nakainom lang siya pero kaibigan pa rin natin ‘yan.  Kalmahan mo lang sir, ito naman.” Nagpakawala ng hilaw na tawa si Jisung ngunit hindi naitago ang pakikiusap sa tono nito.  

Dahan-dahang lumapit si Renjun dito at sinubukang kunin ang baso sa kamay nito pero tinabig lamang ang kanyang mga kamay bago pa tuluyang makalapit.  Ibinalik ni Renjun ang tingin sa dalawang kaibigan.  

“So ano nga ang nangyari kay Jeno?”  

“Just as usual, his ex shits.”  

Sanay na rin si Renjun na tuwing lugmok si Jeno ay dahil sa ex nito pero paulit-ulit pa rin siyang nagtatanong at nagbabaka sakali na sana hindi na ito ang dahilan kung bakit ito nasasaktan.  Na hindi na ito nasasaktan para sa taong wala nang pakialam sa kanya.  Muli niyang tinignan si Jeno.  Hindi niya alam kung posible pero sa tingin niya, nararamdaman rin niya kung ano at gaano kasakit ang dinidibdib ni Jeno.  

“And just as usual, nagmadali ka na namang pumunta rito kahit pagod ka na sa trabaho, kahit na naipit ka sa traffic nang halos dalawang oras.  Renjun.. tsk.  Magkaibigan nga kayo, parehong tanga.”  Dagdag ni Chenle sa pagod na boses.  

Parang walang narinig si Renjun at muling lumapit kay Jeno.  

“Jeno.. tama na ‘yan,” pagtatangka niya pero iniwas lang nito ang kamay sabay inom.  Suminghot ito at mariing hinilamos ang mukha gamit ang libreng kamay.  

“Renjun.. actually,” ramdam ni Renjun ang pag-aalangan sa boses ni Jisung kaya't nilingon niya ito at tinanguan, tanda na ayos lang sa kanya na marinig ang kung ano mang gusto nitong sabihin.  

"His ex is here with someone too close, like literally, kaya mas mabilis yung pag-inom niya ngayon.  Hindi na namin siya mapigilan, hindi na siya nakikinig sa amin." 

Si Chenle naman ang sumubok na patigilin si Jeno.  "Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo, Jeno?  Hindi ka na babalikan 'nun, nagsawa na 'yun sa'yo—" 

Padabog na binaba ni Jeno ang baso sa ibabaw ng mesa, himala na hindi ito nabasag sa lakas ng tama, bago hinarap si Chenle.  

"Ikaw, kailan ka titigil?  Sinabi ko bang samahan n'yo 'ko?"  

Kinuha ni Chenle ang cellphone at may kung anong hinanap bago inilapit ito sa mukha ni Jeno, sapat lang para mabasa o makita nito ang nasa screen ng una.  

"Oo, gago.  Nakikita mo ba 'yang pangalan mo?  Ikaw ang tumawag sa akin na iinom ka ngayon.  Kailangan ko pa bang ipakita sa iyo yung message history ni Jisung para maalala mo na ilang beses ka nagrant sa kanya bago ka pumunta rito?"  Ngunit masyado nang lasing si Jeno para umintindi.  Naging malinaw na lang ang kanyang mga mata nang makita ang ex na tumatawa't dikit na dikit ang katawan sa kasayaw.  Nagpatong-patong na ang lungkot, inis, at galit sa loob ni Jeno at binato niya ang kung anong mahawakan sa direksyon kung nasaan ang dating kasintahan.  

"Tangina! Jeno, tigilan mo na 'yan!"  

"Bro, please, huwag ganito!"  Agad siyang pinigilan ng mga kaibigan ngunit panandaliang natulala si Renjun sa Jeno na nakikita niya ngayon.  Hindi ito ang Jeno na nakasanayan niya.  Hindi niya matanggap na nasisira ito para sa maling pag-ibig.  Nagpupumiglas ito sa hawak nina Chenle at Jisung hanggang sa napansin niyang napapahawak na si Jeno sa sariling bibig.  Dali-daling hinila ni Renjun si Jeno papunta sa banyo, hindi alintana ang mga bubog na maaaring pumasok sa nipis ng suwelas ng sapatos na suot niya ngayon.  Kung hindi niya gagawin ito, tiyak na dadagdagan lang ni Jeno ang kalat na ginawa nito.  Tumigil sila sandali at lumingon si Renjun sa direksyon ng mga naiwang kaibigan.  

"Chenle, Jisung, kausapin n'yo yung staff or management.  Please express our apologies to them and let them know that we are willing to take responsibility for all the damages.  Wait, Jisung, tara dito."  Agad niyang pinalapit ang mas kalmadong si Jisung at inabot ang kanyang bag.  "Nasa 2nd pocket yung card ko, 'yun yung gamitin mo to pay for the everything.  Please, pakiusapan n'yo yung management, hindi pwedeng makulong 'tong isang 'to—"  

Naputol siya sa pagsasalita nang narinig ang ingay ni Jeno na tila hirap na hirap na pigilan ang kung ano sa kanyang bibig.  "Shit, kailangan ko na bilisan.  Sa C.R. lang kami nito."   

Pinilit ni Renjun kayanin ang bigat ni Jeno sa pinakamabilis na paglakad para maipasok na agad ito sa banyo.  Pagkatulak niya dito sa isang cubicle ay dali-dali itong nagsimula.  Pakiramdam ni Renjun bigla siyang naubos habang tinitignan sa ganitong kalagayan si Jeno.  Sumandal lamang siya sa lababo bago inihilamos nang madiin ang mga palad sa mukha.  

Pang-ilang beses na ba ito?  Hindi niya na tanda, sanay na rin kasi siya dito.  Pagod na siyang masanay sa ganitong tanawin. 

Matagal-tagal rin bago pumasok sa banyo si Chenle at napabuntong hininga na lamang ito sa nakita niya.  Tumabi siya kay Renjun na tila blangko ang mga mata.  Tinignan niya rin si Jeno na nakayuko na lamang, hindi niya alam kung hinihintay pa ang kasunod para maubos ang laman ng tiyan o kung nakatulog na ito.  Kinalabit niya si Renjun para maibalik ito sa reyalidad.  Agad siyang nilingon nito bago ibinalik ang tingin kay Jeno saka tumalikod at mabilisang naghilamos ng mukha.  

"Buti na lang kaibigan ni Jisung yung may-ari, napakiusapang idaan na lang sa settlement at compensation lahat ng damages."  Bumuntong hininga si Renjun sa balita.  

"Thanks, Chenle.  Pwede bang ikaw muna magbantay diyan hanggang matapos siya?  Lalanghap muna ko ng maayos-ayos na hangin.  Feeling ko dumikit na sa damit ko lahat ng amoy at germs sa banyong 'to.  Okay lang ba?"  Nakiusap si Renjun sabay ngiti kay Chenle.  Pinagbigyan ito ng huli dahil halatang pinipilit na lang ni Renjun ngumiti para hindi mag-alala si Chenle.  Tinapik ni Renjun ang balikat ni Chenle bago tinignang muli si Jeno saka lumabas.  

Sumandal si Renjun sa pader sa labas ng banyo, dinama ang panandaliang sandigan at pahinga niya sa gabing ito.  Halos isang minuto lang ang lumipas nang lumapit sa kanya si Jisung at binigay ang card pabalik sa kanya.  Sa simpleng 'okay na, Renjun, banned nga lang si Jeno dito for 6 months' ay nabawasan ng konti ang bigat na pumipigil sa paghinga niya nang maayos.  Sumandal rin si Jisung sa katabing pader at binalot sila ng nakabibinging katahimikan na hindi natiis ng huli.  

“All this time mahal mo siya, kitang-kita namin iyon sa araw-araw.  Kaya bakit?  Bakit hindi ka umamin?”  Nakita ni Renjun na nakasabit ang kanyang bag sa kabilang balikat ni Jisung kaya't umalis siya sa pagkakasandal sa pader at nagsalita habang kinukuha ang bag.  

“Siguro ganun lang talaga.  Hindi enough yung pagmamahal ko sa kanya para i-pursue ‘tong nararamdaman ko.”  

“Hindi kaya.. sobrang enough ‘yang pagmamahal mo para piliin mo kung saan siya tingin mong sasaya?”  

“Kung ‘yan ang gusto mong paniwalaan, wala na akong magagawa.  Bahala ka—“ Pinutol agad siya ni Jisung sa pagsasalita kaya napa-ihip na lang siya sa kanyang buhok.  

“Hindi ka ba naaawa?  Ilang beses na ba siyang iniwan, sinaktan, at pinaiyak nung ex niya tapos ikaw yung umalo!  Bakit ba hindi mo na lang siya saluhin?!” Halatang-halata na ang desperasyon sa mukha ni Jisung pero nababalot na rin ng inis ang ulo ni Renjun.  

“Kaibigan lang ako at hindi kasama sa job description ng pagiging kaibigan ang maging taga-salo at rehab center kapag nasawi ang puso.” Mapait ang mga salitang ito sa dila ni Renjun at tila hindi nakuntento ang mga ito at tuluyang dumaloy ang pait sa buo niyang katawan.  

“Kahit na!  Alam ko at alam mo na kaya mong ibigay ang pagmamahal at pag-aalaga na kailangan niya.” Maswerte si Jeno na magulo man ang management niya sa buhay niya ngayon, may kaibigan pa rin siyang tulad ni Jisung na prioridad ang kapakanan niya. 

“Huwag mo na ipilit.  Kahit sabihin mo man na kaya ko nga 'yang gawin, hinding-hindi mababago nun 'yung katotohanang malalagay ako sa lugar na talo ako, at hinding-hindi ko ilalagay ang sarili ko dun.  Saka.. ako ba.. hindi mo naisip?  Hindi mo ba ko kaibigan para alalahanin yung feelings ko?  Feelings lang ba niya ang mahalaga dito?”  Tinuro ni Renjun ang direksyon ng banyo bago ibaba ang kamay at tinuro ang sarili dahil para sa kanya, hindi lang si Jeno ang nasasaktan.  Dahil ba palaging handang tumulong si Renjun ay gagawin na siyang option ni Jisung para maging okay si Jeno?  Ganun na ba siya kadali sa paningin ng iba dahil sa pagmamahal niya? 

Gustuhin mang manahimik ni Renjun, hindi niya kayang hindi ipagtanggol ang sarili.  Ayaw niyang pati siya ay bumababa ang tingin sa sariling tanging pinagkatiwalaan ng natatagong sakit at pagod. 

 “Mahal ko siya pero hindi lang siya ang mahal ko.  Mas pipiliin ko ang sarili ko kapag ganitong usapan na.  Hindi ako basta tao-tauhan sa buhay ni Jeno," matapang na sambit ni Renjun.  Agad na bumalandra sa mukha ang pagsisisi at humingi ng tawad si Jisung bago lumabas si Jeno na nakahawak sa pader habang naglalakad.  Si Chenle naman ay nakatingin lamang sa paglalakad ni Jeno bago hinanap ang mga mata ni Renjun at umiling. 

 "Ayaw magpatulong, kaya naman daw niya." 

 Nagpasalamat si Renjun kay Chenle bago lumapit kay Jeno at sinubukang alalayan ito.  

“Jeno, nagdala ka man lang ba ng pera pambayad sa mga inorder mo?  Kung wala, tara na’t hanggang dito na lang kakayanin ng balance ng card ko.”  

“Tara na—," gatong ni Jisung na agad naputol.  

“Ano bang meron dun sa gagong 'yun para siya ang piliin?  Ganun ba ako kahirap mahalin?  Pero nagawa naman niya dati ‘di ba?  Masaya naman kami dati.”  isa-isa silang tinignan ni Jeno kahit sigurado si Renjun na umiikot na ang paningin nito.  Sinubukan niyang kausapin ito para hindi magsimula ang panibagong gulo.  

“Kaya nga, dati ‘yun.  Ngayon, kailangan na natin umuwi-“  

“Hindi mo ba ako naiintindihan?  Ikaw, kayong dalawa, masaya bang makita na ganito ako?” Nang-aakusang sumabat si Jeno sa malakas na boses.  

“Jeno kaya nga kami nandito para damayan ka.” Nagtangka rin si Jisung na pakalmahin ito ngunit agad nawala ang composure na ipinakita niya nang tumutok sa kanya ang matatalim na mata ni Jeno.  

“Damayan?” Hindi makapaniwalang sagot ni Jeno.  “Damayan?  Saang banda ng damay yung nakakatawa kayo sa kanila?!”  Tinuro niya sina Chenle at Jisung na halatang pinagbibintangan ang dalawa na maaaring nakita ni Jeno na tumawa habang nakikipag-kumustahan nung wala pa si Renjun. 

“O damay ba tawag n’yo sa pagbabantay sa akin with those look in your eyes?  Naaawa kayo sa akin?  Hindi ko naman kailangan ng awa!”  

“Dude, seriously, stop that.  You look pathetic.” Umamba ng suntok si Jeno kay Chenle pero mabilis siyang tinulak ni Renjun palayo rito.  Gumewang sandali ang tayo ni Jeno bago binalikan si Renjun at tinulak nang malakas sa pader ang huli bago hinawakan ang magkabilang balikat nito para hindi makaalis sa pwesto.  Agad na naramdaman ni Renjun ang sakit sa tumamang parte ng kanyang likod. 

“Tangina.” Nagkamot ng ulo si Chenle. “Jeno, tigilan mo nga ‘yan!”  

"Hindi n'yo ko naiintindihan kaya wala kayong karapatang husgahan ako.  Ni hindi ka pa nga nakakaranas pumasok sa relasyon, Renjun.  Wala kang alam."   

Hindi alam ni Renjun kung saan nagpantig ang tenga niya pero gamit lahat ng natitirang lakas ay pumiglas siya sa pagkakahawak nito at hinawakan nang buong pwersa ang kwelyo ni Jeno.  Tinulak ng kabilang kamay ni Renjun ang kaliwang balikat ni Jeno para mapaatras ito nang malakas sa pader.  Idiniin niya ang pagtulak dito habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa damit ni Jeno.  Tila nabuhusan naman ng malamig na tubig sina Jeno, Chenle, at Jisung sa ginawa ni Renjun.  Malayong-malayo sa mga pabiro nitong pag-amba ang ginagawa niya ngayon kay Jeno.  

"Hindi ko kailangan pumasok sa isang relasyon para malamang kahibangan na 'yung ginagawa ko.  Wala kaming alam?  Wala kaming naiintindihan?!" Mariin ang pagbigkas ni Renjun sa bawat salita.  Humigpit ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng damit ni Jeno at mas tinulak ito sa pader, kung posible man.  

"Ilang buwan ka na namin sinasamahan!  Dun nga namin narealize na dapat lahat kami present kasi ganun katigas ang ulo mo.  Umayos ka nga, Jeno.  Naririnig mo pa ba sarili mo?"  Biglang binitiwan ni Renjun ang kaibigan at ininat-inat ang mga kamay bago muling tinignan si Jeno na napatalon sa pwesto nang mapansing nasa kanya muli ang tingin ni Renjun.  Mukhang nawala ang pagkalasing nito sa sermon ng huli.  

Tinignan ni Renjun mula ulo hanggang paa si Jeno at ngumisi bago nagsalita sa mas kalmadong boses.  "Ano?  Sabi ni Chenle kaya mo na sarili mo kaya hindi ka nagpaalalay 'di ba?  O sumunod ka na kung gusto mong umuwi pero kung ayaw mo bahala ka na diyan."  Agad nagsimulang maglakad si Renjun pagkatapos tanungin si Jisung kung cleared na sila para makalabas sa bar.  Wala man siyang mga mata sa likod, alam niyang sumunod na ang tatlo.  Napatunayan niya ito nang may brasong pumalibot sa kanyang balikat at sinandal ang kalahati ng bigat ng katawan nito sa katawan niya.  

"I'm sorry, Renjun.  I'm really sorry.  Hindi ko na uulitin."  Buti na lamang at nakalabas na sila nang marinig niya ang mahinang boses na ito. 

"Sus, nahihirapan ka lang maglakad kaya ka nagsosorry e."  Hinawakan ni Renjun ang brasong nakapatong sa balikat para ayusin sa pagkakalagay habang hinihintay ang sasakyan ni Jisung. 

"No, no.  I'm really sorry.  I lost my mind for a while.  Hindi na ako 'to."  

"Ikaw pa rin 'yan, Jeno.  Parte mo 'yun at parte mo rin itong pagyakap na 'to pero please, huwag mo na ulitin 'to a?  Makakasakit ka lang, mas lalo ka lang din masasaktan.  Saka isa pa, card ko palaging nadadale sa ganito e.  Isesend ko kaagad sa iyo yung resibo bukas ng gabi para bayaran mo 'ko, ha?  Walang libre-libre." Mahinang natawa si Jeno bago muling nagsorry at nangakong ibabalik ang pera niya.   

Tahimik ang naging biyahe nila papunta sa condo ni Jeno pero alam ni Renjun na kanina pa siya tinitignan ng dalawa sa harapan gamit ang rear-view mirror.  Mukhang nakatulong ang naging tulog ni Jeno sa biyahe dahil dumiretso agad 'to sa banyo para maglinis ng katawan saka humiga sa kama at mabilis na nakatulog.  Naghanda ng tubig, biscuit, at gamot si Renjun sa bedside table nito bago tinignan ng ilang sandali si Jeno.  Alam niyang lalagnatin 'to sa kalagitnaan ng gabi kaya nang maramdamang umiinit na ang balat ni Jeno, agad niyang ginising ito at pinakain ng ilang piraso ng biscuit bago pinainom ng gamot.  Pinasadahan niya rin ng punas ang ulo hanggang leeg pati na rin ang mga braso nito para bumaba ang lagnat.  Tinalikuran niya ito pero nagulat siya na nasa couch ni Jeno ay nakasandal sina Chenle at Jisung, tinitignan si Renjun bago umayos ng upo.  

"O, bakit nandito pa kayo?"  

"Alangan namang iwanan ka namin dito, parehas pa naman kayong ta—tamad," sagot ni Chenle.  

Tanga.  Alam ni Renjun na 'yun ang gustong sabihin ni Chenle kaya ngumiti na lang siya dito lalo pa't hindi siya iniwanan kahit alam niyang pagod na rin ang mga ito.  

“Renjun."  Bigla siyang tinawag ni Jisung. “Gusto mo ba... o sa tingin mo ba,” mabagal itong nagsalita na parang tinitimbang ang bawat sasabihin. “Sa susunod... huwag ka na namin tawagan?”  

“Bakit?  Kaya n’yo ba siya kapag nasa ganyang ayos?  Kanina nga ni isa sa inyo ni Chenle walang nakaawat sa kanya, ako pa rin nakatama kay Jeno kahit muntik na ko mabalian dahil sa kanya," sabay tawa sa alaala ng mga natigilang sina Chenle at Jisung.  

“Pero Renjun,” agad na umalma si Jisung para siguro sabihing seryoso siya ngunit hindi na nito kailangang gawin 'yun, malinaw na malinaw na nakarating kay Renjun ang mensahe niya.  

“Jisung, kaya ko pa.  Willing pa ‘ko," at ngumiti si Renjun sa dalawa.  

“Paano kung maubos ka?  Paano kung mas masaktan ka niya—," pahabol ni Chenle para kumbinsihin si Renjun.  

“Higit sa sakit na nagawa na niya?  As in mapisikal na ako?  Huwag ka mag-alala, hihingan ko muna siya ng pera pampa-checkup bago ko makipag-fo.” Dinaan pa rin ni Renjun sa biro ang sagot dahil hindi niya alam kung ano ang tama o gustong marinig ng mga ito.

“Renjun naman...” 

“No.  Seriously, Jisung, trust Jeno.  He wouldn’t reach that point.  Para namang hindi mo kilala yung kaibigan natin, yung kaibigan mo.  And please, trust me too.  I know my limit.  I respect myself.  I care for myself.”  Pumunta siya sa kusina ni Jeno at tinignan kung may pwedeng maluto.  Buti na lang at may iilan pang ingredients na nakatambak dito.  

“Chenle, okay lang ba na paglutuan mo siya ng sopas o kahit ano mang hangover soup na kaya mo?  Pupunta na lang ako dito bago maglunch time para i-assist siya, sure namang gigising palang siya by that time.”  Tumayo si Chenle at lumapit sa pwesto niya bago tinapik-tapik ang balikat niya at sumang-ayon.  Lumapit rin si Jisung para tumango-tango kay Renjun.  

“Thanks guys.  Napakahassle alagaan ni Jeno pero nagstay pa rin kayo, hindi n’yo ko hinayaang pasanin siya mag-isa.” Madramang suminghot si Renjun na may kasamang mahinang tawa.  “Alam kong nakakapagod na siya diyan sa toxic routine niya pero thank you talaga.  Sana matauhan na ‘tong tangang ‘to asap.”  

Tumawa lang sila nang mahina at sabay-sabay na nilingon ang walang kamalay-malay na si Jeno.  

“Uwi na ako guys.”  

“Bakit hindi ka na lang dito matulog?” Tanong ni Chenle habang sinisimulan nang ihanda ang mga gagamitin sa pagluluto.  

“Ayoko dito, amoy alak pa rin saka sasakit lang likod ko sa couch niya plus wala akong damit pamalit, papasok pa naman ako bukas kahit half-day lang.” Kinuha na ni Renjun ang bag mula sa kinalalagyan bago tinignan ang pinakabata sa barkada.  “Sasabay ka ba Ji?”  

Si Chenle ang sumagot para rito.  “Hindi na, ako na bahala dito."  Hinawakan pa nito ang braso ni Jisung para hindi ito makatakas.  

Pinilit umiwas ni Jisung, hindi naiintindihan kung ano man ang trip ni Chenle.  “At bakit?  Buong gabi mo na ko kasama, hindi ka ba nagsasawa?”  

Pinanlakihan siya ng mata ni Chenle bago malokong ngumiti.  “Sige subukan mo kong iwan, hindi kita sasamahan sa grad school na gusto mong applyan.”  

“Ito... parang hindi kaibigan!  Sige na Renjun, mag-ingat ka na lang sa biyahe.”  Kumunot ang noo ni Jisung bago muling nakipag-usap o nakipagbarahan kay Chenle.  Hindi na ito pinansin ni Renjun at sinuot na ang kanyang mga sapatos bago narinig ang boses ni Chenle.  

“Pag-isipan mo rin sinabi sa iyo ni Jisung pero sa ngayon, siguraduhin mong matutulog ka at may aalagaan ka pa bukas," bakas sa boses ni Chenle ang pag-aalala. 

“Kayo ang mag-ingat.  Huwag n’yo sunugin 'tong unit at baka tuluyang gumunaw mundo niya," Sabay turo kay Jeno na mahimbing na natutulog.  “But really, salamat guys.”  Pagkatapos magsapatos ay tumayo na si Renjun at kinuha ang bag.  Nilingon niya ang mga kasama, ngumiti, at nagpaalam.  

Pagka sara ng pintuan, agad na bumagsak ang ngiti ni Renjun.  "Renjun, hindi pwede.  Huwag dito please."   Paulit-ulit na bulong niya sa sarili habang binibilisan ang paglalakad papunta sa elevator.  Pagkapasok niya dito at matapos pindutin ang tamang baitang ay siniksik niya ang sarili sa kanang sulok at umupo.  Nilagay niya ang mga braso sa ibabaw ng tuhod bago yumuko.  Pumikit siya nang mariin, pilit na nakikiusap sa namumuong luha sa mga mata na baka pwedeng ipagpaliban ang pagbagsak.   

Sa muling pagmulat ni Renjun ng kanyang mga mata, pakiramdam niya ay may naglaho sa kanya.  Parang nablangko ang buong pagkatao niya, parang bigla na lamang na wala siyang maramdaman.  

Hindi niya alam kung anong oras na.  Ang alam lang niya ay madilim pa rin at kakaunti na lang ang mga sasakyan sa main road.  Tanging mga streetlight na lang ang nagbibigay liwanag sa tabing kalsada na kanyang nilalakaran ngayon.  Biglang umihip ang malamig na hangin at kung normal na araw lang 'to, baka tumakbo na siya bago tuluyang matakot sa mga bagay na maglalaro sa isipan niya.  Sabagay, hindi naman 'to normal na araw.  Kung tulad lang ang ngayon ng ibang araw, malamang ay nasa bahay na niya si Renjun o kaya'y papara na ng taxi o magbubook na ng ride para makauwi agad.   

Ngayon, mabagal siyang naglalakad.  Dilim lang ang nakikita ng kanyang mga mata habang tuloy sa paghakbang ang mga paa kahit na walang klarong destinasyon.  Uuwi ba siya?  Tatambay muna sa convenience store?  Maghihintay ng unang biyahe sa bus station?  Hindi niya alam pero maaaring ang mga luha niyang tumutulo na pala ang nakaaalam kung saan siya dapat dalhin.  Kusa siyang tumigil sa harap ng tahimik at hindi kalakihang establisyemento.  Dali-dali niyang kinuha sa bulsa ng bag ang isang katamtamang laki na brown paper bag.  Ginamit ni Renjun ang loob nito para makahinga ng maayos.   

Sa isang iglap, naramdaman niya ang paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.  Parang sa isang snap ay umatake sa kanya ang lahat ng emosyon at alaala sa araw na ito.  Tanging ang mga alaala niya kasama si Jeno sa buong panahon na magkakilala sila ang nagplay na parang pelikula sa utak niya.  Kinuyom niya ang isa sa mga palad bago dinala sa gitna ng dibdib at ipinalo dito.  Isa.  Dalawa.  Tatlo.  Apat.  Hindi na niya mabilang kung ilan pa ang nagawa niya dahil mabilis na nagsunod sunod ang mga ito habang patuloy siyang humihinga sa loob ng paper bag.   

Masakit.  Masakit pala talaga ang pagmamahal niya kay Jeno.  

Masakit.  Masakit pa rin pala kahit nakatago lang. 

Masakit.  Masakit pala na piliting kalimutan ang nararamdaman para hindi mabigo ang minamahal. 

Masakit.  Masakit pa rin pala kahit paulit-ulit mo nang pinapagalitan ang sarili na hindi dapat mahalin ang taong nilagay sa pedestal kasi kahit kailan, hindi mo makikita ang sarili mo na deserve mo ang taong 'yun. 

Masakit.  Masakit pala na ang mga kaisipang ito ni Renjun ay siya ring nagbigay ng ginhawa sa kanya.  Binaba na niya ang kamay na nakahawak sa paper bag.  Naging normal na ang bilis ng pagtibok ng puso niya gayundin ang kanyang paghinga.  Tuyo na rin ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi at hindi na nanlalabo pa ang mga mata rito. 

Acceptance it is.   Sa mas masakit na pagkakataon, tanggap na ni Renjun na hindi sila para sa isa't isa ni Jeno.



--



Sabi nila, hindi ka daw gagaling sa lugar kung saan ka nasaktan.  

Bakit nga ba sinabi pa 'to ni Renjun kay Jeno?  Siya pa tuloy ang hinila nito sa pagdadrama sa harap ng magandang tanawin habang tinitignan ang mga surfer na rinig ang mga sigaw ng galak habang nakikisayaw sa alon ng dagat.  Sa halip na sumaya siya sa nakikita, nababadtrip lang siya sa minu-minutong pagbubuntong hininga ng katabi.  

Ngunit gaano man niya itanggi, alam niyang may kung anong sumisigaw sa utak niya na parang pinapagalitan ang kanyang dugo sa pagdaloy nang maayos sa sitwasyong ito at dahil sa sermon, tuluyang nanikip kanyang dibdib, tila may kamay na mariing binabalot ang kanyang puso.   

Paano naman siya?  Wala nga siya sa lugar kung saan siya nasaktan, kasama naman niya hanggang sa pagmumove on yung taong nanakit sa kanya (ni hindi naman sadya kasi hindi naman alam ni Jeno na Renjun's been harboring feelings for the guy).  

Sabagay, si Jeno nga naman ang talagang may pakay mag-move on.  Swerte na lang ni Renjun kung madamay siya sa agendang ito na malamang sa malamang ay hindi.  Ilang beses na ba niyang binalewala ang feelings sa kaibigan?  Ilang beses na ba niyang pinilit paniwalain ang sarili na tanggap niyang hindi siya magugustuhan nito at okay lang siya sa katotohanang ito?  

"Uy Renjun saan ka pupunta?" Puna ni Jeno sa kanya, ni hindi niya namalayang napansin pala siya nito.  

"Umusog lang ako, napapraning ka masyado."  

"O sige, bakit ka lumayo ng upo?" Inikot ni Jeno ang sarili sa pagkakaupo para tuluyang makita si Renjun sa kanyang pwesto saka tinaasan ng kilay ang huli.  

Alam ni Renjun na kasama sa pagiging kaibigan niya kay Jeno ang pagiging malapit dito, figuratively at physically pero dahil sa mga naiisip niya bago siya mapansin nito ay hindi siya komportableng tanggapin ang buong atensyon nito kaya tumaas ang boses niya sa pagsagot dito.  "Kanina ka pa singhal nang singhal e!" 

"Sana nagsabi ka, alam mo namang mabilis ako magulat e."  

"Ang dami mong reklamo!  Kanina nagsuot ako ng earphones tapos pinatanggal mo kasi hindi ko kamo maririnig yung paghampas ng alon ng dagat.  Tapos kaninang inaaya kita kumain sabi mo iiyak ka muna para mas masarap kain mo mamaya kasi gutom na gutom ka na."  

Tumawa nang malakas si Jeno at tinapik-tapik ang labi ni Renjun na nakanguso na pala dahil sa pagrereklamo.  Natigilan si Renjun dito.  Pakiramdam ni Renjun, biglang binitawan ng kamay na nakapalupot ang kanyang puso kaya malaya itong tumitibok ngayon, mas mabilis sa normal, pero hindi niya masasabing hindi ito ang nakasanayan niyang bilis tuwing kasama si Jeno.  

"Ang dami mo nang sinabi yung pag-usog mo lang naman pinuna ko."  

"Alam mo ikaw ang maraming sinasabi diyan para sa isang brokenhearted." Inayos ni Renjun ang upo at tuluyang inilayo ang tingin mula sa isa.  

"Ito naman, buti nga sinama pa kita dito." May tunog man ng pagmamaktol sa boses ni Jeno, alam niyang nangingiti rin ito, pasimpleng nang-aasar.  

"Dapat ko pa lang ipagpasalamat yun?  Bakit kasi hindi mo sinama sina Chenle at Jisung o kaya yung mga kaibigan mo sa trabaho?"  

"Renjun, pagluluksa pinunta ko dito at hindi reunion.  Paano naman ako magdadrama kung ang daming ingay sa paligid ko?"  

Nilingon ni Renjun si Jeno.  "Bakit kasi ako yung sinama mo?" Tinignan naman ni Renjun ang sarili bago paulit-ulit na dinuro ito.  "At ikaw Renjun, bakit ka naman pumayag na sumama dito sa tangang 'to?" Yumuko at hinila pa nga nang ilang beses ang iilang piraso ng sariling buhok.  

"Tapos pag hindi kita sinama oras-oras mo naman akong kukumustahin.  Isipin mo na lang, nakalibre ka na sa load, nakapagrelax ka pa for free," may pagmamalaki sa boses na sabi ni Jeno.

"Relax for free, my ass."  

Hindi na sumagot si Jeno at hinayaang tanging ang tunog lang ng mga alon ang kanilang naririnig.  Nang kumalma si Renjun, narealize niya na wala na siyang naririnig na sigawan ng mga surfer kaya inangat niya ang tingin at nakumpirma ang hula niya nang makitang malinis na ang dalampasigan.  Si Jeno ang bumasag sa katahimikan gamit ang kalmadong boses.  

"To be honest, Renjun, may hindi ako sinasabi sa iyo."  Okay, mukhang hindi kalma ang hatid nito kay Renjun.  

"Fuck?  Ano?  Prank lang na libre yung accomodation?  Kaya ba malakas loob mong mag aya ng maramihang kain mamaya kasi ako magbabayad lahat?"  Sunod sunod at mabilis na tanong ni Renjun.  Muli, tinawanan siya ni Jeno at sinundot ang kanyang pisngi bago ang dimple sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha. 

"Hindi tanga hahahaha! Tanggalin mo nga yang busangot sa mukha mo.  Bakit ba puro pera nasa isip mo?  Akala mo hindi pinapasweldo sa trabaho.  O baka—Renjun tapatin mo nga ko, minamaltrato ka ba sa trabaho?" Mula sa pagngiti ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ni Jeno. 

"Ang oa nito, hindi ba pwedeng matipid lang?  Saka ikaw kumaladkad sa akin dito with the bait na libre ang lahat tapos bigla bigla kang magsasabi na may hindi ka sinasabi kaya malamang 'yan talaga iisipin ko."  

"O bakit, kailan ba ko hindi tumupad sa sinabi ko? Saka ikaw diyan yung nag isip agad tungkol sa gastos," mapaglarong paghahamon ni Jeno. 

"Oo na oo na, kasalanan ko na.  Pambihira kung saan saan na naman napunta 'tong usapan natin.  So ano nga? Spill the beans."  

"Naka-move on na ko sa ex ko." 

Ilang segundo ang lumipas dahil akala ni Renjun ay may idadagdag pa 'to pero mukhang wala na kaya sumagot rin siya habang tumatawa.  

"Pfft.  Okay.  Sabi mo e," halata sa tunog ng boses na hindi siya naniniwala at pinagbibigyan lang na parang batang iiyak si Jeno kapag hindi pinaniwalaan.  

"Totoo nga!  Huling huli na talaga yung kinwelyuhan mo ko sa bar." 

"Huwag mo na ngang ipaalala 'yun," at sumimangot si Renjun.  

"Seryoso nga kasi.  Before ako nag-aya ng inom nung araw na yun, I made sure na deleted na lahat ng photos, unfollowed lahat ng social media, at disposed na lahat ng items ni ex sa akin, well dapat nga 'di ko siya tinatawag na ex kasi ni-lead on niya lang ako." 

"Ni-lead on for a year.  Grabe ang tanga mo talaga 'no?" 

"Oo na, tanga na ako.  Pero yun nga, that day was the last time na inisip ko siya, malas na lang na dun pa sila tumambay ng isa sa ipinalit niya sa akin kaya napigtas talaga pasensya ko." Depensa ni Jeno bago dinugtungan ng 'tch'. 

"Kaya nga, huwag mo ko gawing tanga.  Akala mo ba hindi ko napapansin na puno ng tissue yung basurahan mo, minsan nasa gilid pa ng kama mo, kada pupunta ko sa unit mo which is by the way, every saturday morning." Hindi pa rin naniniwalang sabi ni Renjun. 

"So, anong connect?  Palagi namang may tissue sa basurahan ko." 

"Proof na sa dalawang buwan na lumipas, palagi mo pa ring iniiyakan yung hilaw mong ex kahit hindi ka naman iyaking tao." Pakiramdam ni Renjun na kahit hindi naman laban 'to, siya pa rin ang mananalo sa usapan.  

"Hindi mo ba naisip na baka hindi ko ipinampahid sa luha yung mga tissue na yun?  Sabi mo nga, hindi ako iyakin."  Nilapit ni Jeno ang sariling mukha kay Renjun at tinignan ang huli while wriggling his eyebrows.  Napalaki naman ang mata ni Renjun bago tinulak si Jeno na agad ngumiti nang pagkalaki-laki.  

"Kadiri ka talaga!"  

"O bakit?  Nagtanong lang naman ako? Bakit Renjun, ano ba naisip mo–" Agad na pinutol ito ni Renjun at binalewala na parang walang nangyari dahil alam niyang aasarin lang siya nito.  

"O sige, kada saturday ng umaga namamaga yung mata mo, minsan ang itim pa ng eyebags mo.  Paano ka magpapalusot dun ha?"  Tumawa lamang ulit si Jeno.  

"Kung sana sinasamahan mo pa ko manood ng movies e 'di sana hindi ka nagtataka ngayon." Napakunot ang noo ni Renjun dahil hindi niya alam ang connect niya sa eyebags ni Jeno pero agad namang nagpaliwanag ang huli.  

"Kasi puro horror papanoorin natin so ikaw ang iiyak."  Lumapit nang upo si Renjun kay Jeno para lang banggain ang balikat nito gamit ang kanya at tumanggi sa paratang.  

"Pero seryoso, alam mo naman na romcom o drama yung pinapanood ko pag hindi kita kasama 'di ba?  Plus friday night lang ako pwede manood since end ng working days at para makaiwas ako sa aya nila Chenle sa bar.  Ang laki rin ng gastos ko nung huling 'basag' bar ko a.  Broken hearted na nga, broken savings acc pa."  

Hindi alam ni Renjun kung sadyang magaan lang talaga ang mood sa dalampasigan o totoong nagkukwento si Jeno tungkol sa mga masasamang araw nito na parang wala lang lalo pa't payapa ang ngiti nito ngayon.  

Nagpasya si Renjun na makisama sa gaan ng mood.  "Kanina lang pinupuna mo ko sa reklamo sa gastos tapos ikaw rin pala umiiwas sa gastos."  

"Renjun, wala ka namang nasira o malalang binabayaran compared sa akin 'no," may pagdidiin sa boses ni Jeno.  

"Psh sure sure.  Pero hindi pa rin ako naniniwalang nakamove on ka na.  Baka pinapaniwala mo lang sarili mo," sabay wasiwas ng kamay.  

"Renjun!"  Muling ibinaling ni Jeno ang buong katawan kay Renjun bago pinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat nito at inalog-alog ito. "Alam mo palagi mo kong sinasabihang matigas ang ulo pero sa totoo lang wala ka namang pinagkaiba sa akin e!"  

"Ay makayugyog, close tayo?" 

"Ay sige, hindi tayo close?  Bye na.  Goodluck pauwi."  

Tumayo si Jeno mula sa pagkakaupo bago muling makaharap ng pang-upo ang bungahin nang may impact matapos siyang hilahin pababa ni Renjun sa kanyang braso.  

"Aray naman, grabe makahila 'to. Pero seryoso nga, umiiyak lang ako gabi-gabi ng friday night dahil sa drama or movie na napanood ko.  Yung last time nga na sinabihan mo ko ng 'Jeno bakit ba hindi ka marunong magtapon ng tissue sa basurahan' pinanood ko yung episode na namatay si Wang Eun at Soon Deok."  

"Scarlet Heart?  Ang tagal na nun iniiyakan mo pa rin?"  

"Uy Renjun huwag ka ngang ganyan, ikaw nga mismo nagsabi sa akin na tuwing mabigat pakiramdam mo hinahanap mo pa yun sa youtube para maiyak ka," at binigyan ni Jeno ng mapanghusgang tingin si Renjun.  

"May sinabi ba kong hindi?  Sa akin nagwowork pero sa iyo?  Sus.  Nagpapalusot ka lang e," nilabas pa nito ang dila para mang-asar.  

"Seryoso nga kasi, tignan mo ko sa mata."  Pinatong ni Jeno ang mga kamay sa balikat ni Renjun at hinabol ang tingin ng huli na naka-ilang pikit at nang masigurong nakuha na niya ang buong atensyon nito, tinuloy niya ang sinasabi.  

"Nakamove on na ko.  Hindi na masama loob ko sa kanya at sa sarili ko.  Masaya na ko ulit ngayon."  

"Ready na ulit magpakatanga?" 

"Ready na ulit magmahal," sabay ngiti ni Jeno kay Renjun at ayaw mang tanggapin ng huli, alam niyang totoo ang mga ito. 

Pero sabi nga ni Jeno, matigas talaga ang ulo ni Renjun, ayaw na ayaw magpatalo.  "E tanga ka naman talaga pag nagmamahal ka.  Saka kung nakamove on ka na, ano pang sinisinghal singhal mo diyan?  Akala ko ba nandito ka para magluksa?" 

Nagkatinginan silang dalawa sa loob ng ilang segundo, kahit ang tunog ng humahampas na alon ay tila naglaho sa mga oras na 'yun bago umiwas ng tingin si Jeno.  Doon pa lamang natauhan si Renjun at ginaya si Jeno na tumingin lamang sa dagat.  For some reason, kahit pabiro lang ang mga tanong ni Renjun kay Jeno, hindi niya alam kung bakit biglang naging ganito ang pakiramdam na bumalot sa kanila.  Matagal silang nanahimik, pinag-iisipan kung paano isasalita ang mga bagay na naglalaro sa utak.  Nagpakawala ulit ng hangin si Jeno na siyang bumasag sa katahimikan.  

"Ikaw ba Renjun, never mo pa ba na experience magpakatanga?"  

Ang random naman nito pero oo.. hanggang ngayon naeexperience kong maging tanga dahil sa iyo pero mild na lang, Jeno, naisip ni Renjun.  Mas yayakapin lang niya ang pagiging tanga kung talagang sasabihin niya ito sa kausap.  

"Dinala mo lang talaga ko dito para usisain buhay ko e," pinanliitan pa ni Renjun ng mata ang kausap.  

"Buti nga sa iyo ko mismo tinanong.  Pero seryoso, sa ilang taon tayong naging magkaibigan never ka nag open about sa parte na 'yan ng buhay mo" 'Paano ikaw yung parteng 'yun,' sagot ni Renjun sa utak niya. "Samantalang yung akin, kahit dadalawa lang naman sila, nandun ka sa ups and downs ng mga relasyong 'yun."  

"Bold of you to assume na may ups dun samantalang masyado ka lang bulag that time." Nawala nga ang isip ni Renjun sa feelings niya, napalitan naman ng ito ng inis dahil naalala niya kung paano si Jeno sa mga panahong iyon.  

"Alam mo inis na inis ka sa mga ex ko pero ikaw rin balik nang balik sa kanila sa usapan.  Type mo siguro isa sa kanila no?"  Muling sinundot ni Jeno ang pisngi ni Renjun pero agad itong iniwasan ng huli, halatang naiinis sa ideyang sinabi ng una.  

"Mandiri ka nga Jeno.  Maayos taste ko kumpara sa iyo 'no." Maayos nga ba?  O baka siya ang pinakamaayos para sa akin kasi ganun ko siya kamahal?   Isip isip ni Renjun bago napangiti nang mapait.  

"Maayos naman pala e so ikwento mo na yan," sabay dikit ni Jeno ng tenga nito sa ulo ni Renjun.  

"Ayoko.  Wala namang ganap.  End of the story."  

"Ang damot mo talaga."  

Ano mang sabihin ni Jeno, walang pakialam dito si Renjun.  Bakit ba hindi makaramdam si Jeno na hindi niya gustong magsalita tungkol dito.  Sabagay, ni minsan nga hindi nito pinagdudahan kung bakit palagi siyang nakaalalay sa isa.  Sa una palang, hindi naman niya ginustong kaibiganin si Jeno.  Heck, he didn't even know how they became friends.   

Feeling close nga siguro si Jeno simula pa dati.  Nag-abot lang naman si Renjun ng panyong nahulog ni Jeno sa pagmamadali nito pero tinanong siya nito kung gusto niyang malibreng kumain (o baka kasalanan talaga 'to ni Renjun dahil mula noon hanggang ngayong nasa dagat sila, ang salitang 'libre' ang naging pain(pa-in) sa kanya).  Hindi naman niya alam na mag-oopen up si Jeno that time.  Hindi naman niya alam na makukulong siya sa sinusumpa at pinaka-ayaw niyang one-sided love trope sa kaibigan.  

"Okay ka na naman pala e bakit nandito pa tayo-"  

"Renjun naalala mo ba nung college tayo?  Yung first love ko?"  

College?  They were never friends the whole five years of their tertiary education.  Saktong magkakilala, saktong nagkakasalubong lang.  Kung paanong nagustuhan niya si Jeno dahil sa mga ngiti nito, sa mga munting pagbati 'pag nasa iisang klase, sa galing nito bilang estudyante, at sa pagiging humble sa kabila ng lahat ng kakayanan nito ay mas napatatag lang nung talagang nakausap niya ito sa isang araw na akala niya ay kukuha lamang siya ng diploma sa unibersidad.  

"Yung first love mong walang pangalan?"  

"May pangalan siya pero hindi ko pinangalanan, magkaiba 'yun."  

"Oo na, oo na, so what about that person?" 

Hindi niya alam kung paano ginagawa ni Jeno na ilihis ang mga usapan pero pinakinggan pa rin niya ito.  Isang tagapakinig , 'yan ang unang role niya sa buhay nito.  

"Wala lang.  Naiisip ko lang siya, for example ngayon.  Iniisip ko na baka kaya nagkanda leche leche love life ko ngayon kasi hindi ko siya pinursue nung panahon na mahal na mahal ko siya.  Renjun, yung first love ko na yun, kahit walang nangyaring kahit ano sa amin ni konting moment bukod sa hi o hello, siya yung tinuturing kong greatest love." Huminto si Jeno para lingunin siya.  Kitang-kita ni Renjun ang nagniningning nitong mga mata na masayang nakakurba na parang crescent moons ngayon bago nito tinuloy ang sinasabi.  "Na baka kaya hindi nagwork yung dalawang nakalipas kasi yun ngang greatest love ko wala akong nagawang kahit ano, what more pa dun sa mga minahal o baka nga nagustuhan ko lang nang sakto.  Lol, random thoughts."  

Sa pagkakatanda ni Renjun, tatlong beses lang kinwento ni Jeno sa kanya o sa tropahan nila nina Chenle at Jisung ang tungkol sa first love nito.  Una, dahil sa spin the bottle.  Pangalawa, nung sinabi ni Jeno sa kanila na never pa itong nagpakilala ng special someone sa pamilya niya except sa first love niya dahil nahuli siyang nakangiti ng mama niya habang nakatingin sa profile picture nito.  Pangatlo, nung pinapili ng lasing na si Jisung kung sino ang pipiliin ni Jeno sa dalawa niyang ex pero ang sinagot nito, 'Si first love.'   Itinaas pa nito ang hintuturo na parang sinasabing kung sino man si "first love", siya at siya lamang ang pipiliin ni Jeno.  Sinabayan pa niya ito ng ngiti na hindi na kita ang itim sa mga mata.  

"Alam mo yung first love ko na 'yun, makita ko lang siyang nakangiti, napapangiti na rin ako.  'Pag hindi siya okay, tumatalas pandinig ko para makasagap ng balita kung bakit bad mood siya.  Kapag materyal na bagay kailangan niya, gagawan ko ng paraan tapos pasimpleng ipaparating sa kanya.  Lakas maka shy highschool crush 'no?"  

Nagsisimula nang magtubig ang mga mata ni Renjun.  Kahit matagal na niyang isinawalang bahala ang nararamdaman, hindi niya magawang takasan ang katotohanang naiinggit siya.  Na buti pa sila, nagawang mahalin nang ganito ni Jeno.  Pumikit-pikit si Renjun.  Ayaw niyang bumagsak ang mga luhang ito.  

"One memory about that person is nakita ko siya sa may fire exit stairs, mukhang kumakain ng sandwich habang may libro sa hita pero nakatulog na.  Dapat mahuhulog na yung sandwich mula sa kamay niya pati na rin yung libro pero dahan dahan kong kinuha para ilagay sa tabi niya.  Antok na antok ata talaga siya kasi hindi siya nagising kaso biglang nagbell e 'di syempre tumakas ako kaso nadapa ako, wow bobo talaga ever since, pero 'yun nga dumapa lang ako para maitago yung mukha ko hanggang sa may umalalay sa akin.  Alam mo bata palang ako may pagka romantic na talaga ko e, akala ko si first love yung umalalay sa akin kaso hindi, si kuyang janitor pala.  Nakakahiya, shit.  Alam mo pagkatayo ko, imbes na mag-thank you kay kuya, tinignan ko lang si first love.  Pero wala na siya sa pwesto niya."  

Sumisikip puso ni Renjun.  Tumatambay rin naman siya sa mga hagdanan ng dati nilang unibersidad at halos magfield trip pa siya sa mga ito sa loob ng isang araw pero bakit walang Jeno na ganun sa kanya?  

"Uy Renjun umiiyak ka ba?  Wala pa nga ako sa sad part e."  

"Hindi, tanga, napuwing ako.  Daming buhangin sa paligid o."  Muli siyang pumikit-pikit at kinuskos ang mga mata para mas maging makatotohanan at para pahirin na rin talaga ang luhang tumulo na pala nang hindi niya namamalayan.  

"Sige sabi mo yan a. Well since naiiyak ka na, skip to sad part na tayo.  Siguro nagtataka ka kung bakit hindi ko pinursue yung si first love 'no?"  Tumingin sa kanya si Jeno kaya dali-dali niyang nilabas ang poker face niya.  "Okay kahit hindi, ikukwento ko pa rin."  

"Si first love, out of my league.  Sabi ko nga, makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako.  No, wala siyang jowa, base sa mga chismis nun.  Wala daw any form of romantic relationship pero he's always busy with his life.  Makagugulo lang ako.  So I thought, ay kung mahal ko talaga 'to, hindi ko guguluhin 'to.  Next time na lang.  Pero siguro sabik rin ako sa jowa o baka normal lang talaga na hindi panghabambuhay yung feelings ko sa kanya, I naturally detached, kahit wala talagang attachment or label, pero hindi nawala yung wish ko para kay first love na sana maging masaya siya sa buhay niya at kung may kailanganin man siya, ready akong tumulong." 

Eksaheradong huminga si Jeno.  Tumingin siya sa direksyon ng araw at pumikit na tila ninanamnam ang init nito bago hinarangan ng isang kamay ang sinag samantalang ang isa naman ay pinampaypay sa sarili at tinuloy ang kinukwento.  

"Ang init na so tapusin ko na 'to.  Hindi tunog na greatest love no?  Ang bilis magbago ng feelings ko e, ang bilis ko bumitaw.  Well, same.  'Yan din naisip ko nung una.  Siguro 3 weeks ago ko lang narealize na siya ang greatest love ko.  Alam mo kung bakit?"  

Tumingin si Jeno sa kanya at siniguradong nakikinig si Renjun bago nagpatuloy.  

"Kasi hanggang ngayon, inaalala ko pa rin kung masaya ba siya.  Kung may kailangan ba siya?  Kung talagang hindi ko na siya mahal, bakit gusto ko humingi ng chance pero at the same time ayaw kong maging mere chance lang kami.  Gusto kong gawin ko, namin, yung lahat ng makakaya para itaguyod yung chance na 'yun, kung pagbibigyan talaga , para sa amin."  

Naiiyak si Renjun kasi ganun rin ang nararamdaman niya.  May mga araw na bigla na lang niyang mararamdaman na kung hindi ba siya nakuntento sa pagiging kaibigan, asan kaya sila ngayon?  Na kung hindi siya natakot na hindi maibabalik ni Jeno ang pagtingin sa kanya, magwowork kaya sila?  Na kung hindi niya nilagay sa pedestal ito, makikita kaya ni Renjun na kahit papaano, deserve niya si Jeno?   

Nakita ni Jeno ang sunod sunod na patak ng mga luha ni Renjun.  Napangiti siya rito't kinuha ang sariling panyo para tuyuin ang bawat bahagi ng mukha ni Renjun na dinaanan ng mga luha.  "Ang bilis talaga ng luha mo 'no? Tahan na, hindi ako mahal nun pero masaya pa rin naman ako ngayon.  Napaisip lang talaga."  

"Dati naman kasi pag kinukwento mo yung first love mo, ngumingiti ka lang tapos sinasabing masaya na yun o kaya tinatawag mong out of your league tapos end na ng usapan," bakas ang pag-iyak sa kulob ng boses ni Renjun.  

May dumaang ekspresyon sa mukha ni Jeno na kasing bilis ng kisapmata bago muling ngumiti.  Inabot niya ang panyo kay Renjun at hinintay itong kumalma.  Nang maging ayos na ang pakiramdam ni Renjun, napansin niyang sa kanya pa rin nakatutok ang mga mata ni Jeno, may taglay na bigat na parang humihingi ng permiso.  

"May sasabihin ka pa?  Go lang.  May luha pa 'ko."  

"Renjun.. you had a slip of tongue before.  You said that you also liked someone who is out of your league.  Can you share it in detail now?"  

Mabilis na tinulak ni Renjun si Jeno at humigpit ang kapit niya sa panyo nito.  Nagbibiro lang naman siya na may luha pa siya pero mukhang mali ang pagkakaintindi sa kanya ng kung sino mang nakarinig at nagpasyang 'your wish is my command' .  

"Anong mga sinabi ko? Kailan yan?"  Sunod sunod na tanong ni Renjun.  May pag-aalinlangan man sa mga mata ni Jeno, nagpatuloy ito sa pagtatanong.  Naisip siguro nito na baka wala ng susunod na pagkakataon para pag-usapan ang parteng ito ng buhay ni Renjun.  

"Noong tumambay tayo sa dorm nila Jisung para kunin yung natitira nilang gamit pero natuloy sa inuman?  Don't worry ang sinabi mo lang naman para saan pa yung love love kung hindi rin naman maabot.  Sabay tulog.  'Yun lang."  Tumango-tango si Jeno na parang kinukumbinsi si Renjun.  

"Sure ka? 'Yun lang talaga sinabi ko?" Tinanong ito ni Renjun kahit alam niyang totoo ang sinasabi ni Jeno.  

"Kung that time ka lang nagsalita about sa love life mo then yes, that was the only time and words you said about it.  Short but juicy." Once again, Jeno wriggled his eyebrows as he said the last words.  

Tinunggo siya ni Renjun sa balikat.  Magkalapit na pala sila ngayon.  Hindi niya alam kung sino ang lumapit sa kung kanino.  Saktong-sakto sa nararamdaman niya ang nararamdaman ng dalampasigan tuwing naaabot ng mga alon.  Hindi na ata siya makakaahon sa dalampasigang ito.  May mga panahon mang hindi nagtatagpo ang buhanginan at tubig ng dagat, lamang pa rin ang pagkakataong maaabot at maaabot ito ng mga alon, malakas at hindi inaasahan sa bawat hampas.  Hanggang kailan ba siya malulunod sa pag ibig na 'to?  

Siguro, oras na para gamitin niya ang pagkakataong huminga bago siya muling lumubog sa alon.  Naaalala ni Renjun na halos linggo-linggo siyang kinukumbinsi nina Chenle at Jisung na umamin kung hindi siya mag-mumove on hanggang sa napagod na lamang ang mga ito at nasanay na makita siyang tinatanggalan ang sarili ng pagkakataon sa minamahal.  Siguro kahit maliit na butas lang ang gawin niya tulad sa lobo na mabagal na nawawalan ng hangin sa loob, baka kailangan niyang unti-untiing ilabas ang nararamdaman at darating ang oras na wala na ito.  Sinimulan niyang pakawalan ang kung ano mang magkakasya sa maliit na butas na nagsimula sa pag-iyak niya kanina.  Sinimulan niyang tignan si Jeno diretso sa mga mata nito.  

"First love?  Kung yung first love mo ang siyang 'greatest love' mo, ako siya ang 'only love' ko at gusto ko na matapos 'yun.  Jeno, gusto ko na magmove on."  

"Magkwento ka muna bago mo tapusin."  Agad na sinamaan ng tingin ni Renjun si Jeno kaya agad nitong dinugtungan ang sinasabi. "Pero syempre, kung saan ka komportable."  Ilang segundong nanatili ang ganung tingin sa kanya ni Renjun bago siya nginitian nito.  

"Nadulas pala ko dati tungkol sa kanya, huh?  I think that was the time na inamin ko sa sarili ko na umiibig na talaga ko, kung kailan umiibig na siya sa iba.  Hindi naman ako manhid, nararamdaman ko namang bumibilis tibok ng puso ko 'pag nasa paligid siya pero wala naman akong pag asa sa kanya.  Bakit ko pa papansinin yung feelings ko?"  

Tumigil si Renjun para huminga bago nagpatuloy.  "So wala akong ginawa at all.  Hinayaan ko lang na makita siyang masaya o napapasaya ng iba.  Alam mo namang madamot ako 'di ba?  Pag may gusto ako tapos gusto ng iba, nawawalan ako ng gana.  Isa pa 'yun sa sign na 'shit, I'm doomed. I really like this person' kasi walang araw na nagbago yung pagtingin ko sa kanya kahit wala ng chance, madalas nga lang may partner yung feelings ko sa kanya na pagod o sakit.  Until now."  

Nagsisisi si Jeno kung bakit niya pinilit si Renjun na mag-open up, kung bakit isa siya sa dahilan kung bakit namamaga na ang mga mata nito sa kaiiyak.  Kanina, hindi niya makuha kung bakit naiyak 'to habang nagkukwento siya pero ngayon na siya na ang nasa lugar nito at tiyak na mas mahirap ang naranasan, naramdaman niya kung gaano kasakit magmahal sa iisang tao na hindi man lang maiparamdam.  Maswerte si Jeno na 'what ifs' lang ang mayroon siya, walang kirot sa puso.  Walang visual representation na ang greatest love niya ay hindi siya ang minamahal.  

"Jeno, gusto ko na maka-move on.  Pagod na ko mahirapang huminga.  Pagod na akong paulit-ulit kumirot ang puso ko.  Ang sakit-sakit na."  Pumiyok ang boses ni Renjun sa huli niyang sinabi dahil sa panibagong pag-iyak kaya niyakap na lang siya ni Jeno nang mahigpit, tila hinihiling nito na ipasa o ibahagi ni Renjun ang hinagpis kay Jeno.  

Tanging ang pag-iyak lamang ni Renjun ang bumalot sa kanila.  Hindi matalo ng ingay ng paghampas ng mga alon ang tunog ng pusong matagal na kinimkim ang sakit at ngayon lamang pinakawalan.   

Pumikit si Jeno, dinama ang sariling luha na pumatak.  Ngayon, hindi na niya kailangang makichismis para malaman kung bakit bad mood ang first love niya.  Ngayon, hindi na niya kailangang sumilip o sumulpot kung kailan tahimik o hindi ito nakatingin para matulungan ito.  Ngayon, ibinulong niya sa greatest love niya ang tanging tulong na kaya niyang ibigay.  

"Renjun, hindi overnight yung pagmumove on pero gusto kong malaman mo na you have all the time to do that."  Hinila niya ng kaunti si Renjun palayo mula sa kanya, nanatili ang mga kamay habang pinipisil-pisil ang magkabila nitong mga braso at tinignan ito sa mga mata.  

Ngayon, nalaman ni Jeno na ayaw niyang manatili sila sa 'what ifs' ni Renjun.  Ngayon, mas matapang niyang mamahalin si Renjun, handang maghintay na hindi na nagtatago pa.  Nginitian niya si Renjun bago nagpatuloy.  

"Tapos gusto mo, sabay natin i-contact sina the greatest love at the only love?  Baka kailangan lang natin ng closure para makapagsimula muli."



-- 



"Okay," pagsisimula ni Jeno saka nag-inat ng mga daliri.  "So gumawa na ako ng draft nung isesend natin, nilagay ko na diyan sa desktop mo yung JNRJ_Last.docx tapos maglagay ka na lang ng PS kung may gusto ka pang idagdag basta huwag na huwag mo aalisin yung pag-aya ng meet up a."  

Magkaharap silang nakaupo sa unit ni Jeno at parehas na may nakabukas na laptop sa kanilang harapan na nakapatong sa lamesang nasa pagitan nila.  

"Nakamove on ka lang ang dami mo nang arte sa buhay," sabi ni Renjun at kinuskos ang sariling ilong.  Kinalabit din ng hintuturo ni Jeno ang ilong ni Renjun para mas inisin ang huli.  Sinubukang hulihin ni Renjun ang daliri ni Jeno para pilipitin pero mas mabilis itong kumilos kaysa sa kanya.  

"Nakamove on ka na't lahat pero grumpy ka pa rin."  

"Seryoso ka pala talaga dito 'no?  E paano kung hindi ko alam yung email address niya?" Sinubukang magpalusot ni Renjun.  

"Renjun, sure akong alam mo kung ano yung active facebook account niyang si 'only love' mo.  Okay so now isearch na natin yung names nila then i-paste na natin sa chatbox yung draft."  

Suminghal nang malakas si Renjun bago nagsimulang kumilos.  Napa-hagikhik na lang si Jeno dahil medyo nagdadabog ang nasa harap niya sa pagtatype at pagclick sa mouse.  

Parehas lumabas ang bubble sa messenger na sign ng typing sa kanila.  Bumilis ang tibok ng puso ni Renjun pero hindi na masakit tulad ng nangyari one year ago.  May puntahan man 'to o lahat, tanggap na niya.  Masaya na siya.  

Nagkatinginan sila't ngumiti sa isa't isa bago sinabi ni Jeno ang 'press send'.   

Parehas may lumabas na chat sa kanila.  Same message

Paulit-ulit na binasa ni Jeno ang pangalan ng nagchat sa kanya.  Hindi nakuntento si Renjun at bahagyang tumayo upang silipin ang nasa screen ni Jeno.  Nang makumpirma niyang pangalan niya ang sinendan ni Jeno, napabalik siya sa pag-upo at tinignan ang huli na nakatingin rin sa kanya, kumikislap ang mga mata. 

"So see you?"  Nanginig ang mga labi at boses ni Jeno pero halata rito na walang mapaglagyan ang saya niya.  

Hinawakan ni Renjun ang kamay ni Jeno.  Naisip niya na posible palang kumirot ang puso sa sobrang saya.  

"See you in Elyu."  Mas lumiit ang mga mata ni Jeno at mas lumawak ang mga ngiti nito habang inaayos ang pagkakahawak sa kamay ni Renjun gamit ang dalawang kamay.  

"Wow pang vacation agad pero sure, para sa 'greatest love' ko."  Tumawa lang si Renjun bago tumabi kay Jeno at kinalabit ang ilong nito gamit ang libreng kamay.  

"Swerte ko naman pala sa 'only love' ko."  

"Ngayon palang magsisimula yung swerte mo sa only love mo kaya wala ng bawian a, ako lang only love mo?" Nilapit ni Jeno ang mukha kay Renjun at nagpacute gamit ang mga mata at malambing na boses.  

"Depende sa performance mo, show me how great is your love for me."  Pinag-untog nang mahina ni Renjun ang mga noo nila at sabay na natawa sa kalokohan nila.  Si Jeno ang unang nag seryoso.  

"Mm.  Ako man ang alon na lumunod noon sa iyo," sabay bigay ng magagaang halik sa mga mata ni Renjun.  "Ako naman ang nalulunod sa mga mata mo ngayon, Renjun."  

"Hindi, Jeno," sagot ni Renjun at hinalikan rin ang mga mata ni Jeno.  "Huwag nating hayaang malunod tayo sa isa't isa.  Tulungan na lang nating itayo ang isa't isa at sabay na maglakad sa dalampasigan habang dinadama ang alon sa ating mga paa."  

"Pero wait!  Hindi naman purely platonic 'to 'di ba?  Kasi ako, sure akong tinype ko lang 'yun para hindi ka mabigla," biglang habol ni Jeno na halatang kinakabahan sa isasagot ni Renjun.  

"Oo naman, tanga.  Hindi naman mawawala yung pag-ibig ko sa iyo, makukuntento lang sa pagiging kaibigan pero dahil ganyan nga, e 'di i-upgrade natin!" 



-- 



Hey!  

Uhm, surprise?  Maybe you're wondering why I messaged you out of nowhere or maybe you didn't expect to receive anything from me.  This is so random but I liked you, past tense, in a romantic way.  No, no!  Please don't close this message yet.  I just want to, maybe, meet you with friendly intentions and have some catch-ups?  Promise, purely platonic lang 'to.  Just tell me if you're good with it and whenever you're comfortable.  If you choose not to, I respect your decision. 

I'll always respect you, may it be you're in my life or out of my zone. 

 

Nakaahon na,

HRJ/LJN

Notes:

Thank you for giving this a try!